Thursday, April 19, 2007

Malapit na ang wakas - Sana Maulit Muli

Consumatum Est. Naganap na! Pero teka, ano ito? Si Travis! Yes, you are seeing it right. Dalawa silang naaksidente ni Jasmine. Hindi bus ang nakasagasa sa kanila. Isang truck na dapat ay si Brandon ang mabubunggo. Subalit lumiko ito, dumaan sa isang tambak ng lupa, lumipad ang truck at sila ang tinamaan. Subalit si Travis lang ang malala ang lagay, comatose nga siya, si Jasmine ay hindi naman. Ang kamatayan na dapat ay kay Jasmine, sa iba nangyayari. Maililigtas kaya niya si Travis? Paano? Nakita na natin ang trailer na kailangan niyang magsakripisyo, kapalit ang buhay ni Travis. Gawin nga kaya nya? Ilang araw na lang at matatapos na ang seryeng ito kaya sabay sabay na lang natin pagkatutukan.

No comments: