Grabe... alam nyo bang tatlong araw ako nagkasakit? Oo, tonsilitis. May kasama pang lagnat yun ha... Timing naman na nagbigay ng tips si Korina sa kanyang programang Rated K tungkol sa mga maling paniniwala na dapat gawin kapag may sakit (ang isang bata). Heto yung dalawa sa mga natatandaan kong mga tips:
1. Mali ang pagkulob o ang pagbalot sa maysakit para mainitan o pawisan. Di ba pag may sakit tayo ay para tayong giniginaw. Yun ay dahil nga mataas ang temperatura natin kaysa sa temperatura ng kapaligiran o sa ingles ay ambient temperature. Dapat daw ay open o hayaan lamang ang maysakit na walang kumot o takip upang ang init ay lumabas.
2. Mali na punasan ang maysakit ng tubig na malamig (o may yelo) o na may halong alkohol. Dyos ko, ginawa ko pa naman yan. Ang dapat daw ay uminom na lang lagi ng tubig para bumaba ang temperatura.
Sayang nga lang at hindi ko na matandaan ung iba (kasi nilalagnat pa din ako nun e). Kung natatandaan nyo yung iba, i-comment nyo na lang para iupdate natin yung ibang babasa, ok?

No comments:
Post a Comment