Nagbigay na ng ultimatum si Destiny na siya ay mamamatay sa loob ng 24 oras. Wow.
Grabeng stress
siguro yun. Kung ako kay Jasmine mababaliw na ako. Buti na lang at ang kanyang gwapong always-to-the-rescue boyfriend
na si Travis ay laging nandun sa tabi nya para protektahan siya.
Ngunit mas matindi ang naging kalagayan ni Travis. Inakala ng kanyang ina na siya ay nababaliw at siya ay dinala sa isang psychologist.
Hindi naging maganda ang usapan nila kaya't siya ay na-confine
sa loob ng sa tingin ko ay isang mental facility.
Paano na niya maililigtas si Jasmine sa mga aksidenteng laging nakaamba sa kanya? I'm sure
nakita nyo na yung commercials,
pareho silang nabundol. Hintayin na lang natin ang tunay na mangyayari sa nalalalapit na katapusan ng seryeng ito.
No comments:
Post a Comment