Saturday, April 21, 2007

Ang pagwawakas - Sana Maulit Muli

Natapos na ang teleseryeng nagpakilig sa ating lahat - ang Sana Maulit Muli. Nailigtas pala ni George si Jasmine sa pagkakatalon nito sa roof deck, kaya nagtagumpay si Travis kay Destiny at hindi namatay si Jasmine. Siyempre pa, hindi naging madali ito para kay Jasmine. At bago bumalik ng states ang pamilya ni Travis ay ibinigay ni Monica kay Jasmine ang mga gamit ni Travis. At dito nga nakita ni Jasmine ang relo na galing kay Destiny. Kaya nung isinuot ito ni Jasmine, ayun, turn back time ulit at buhay na naman si Travis. Medyo hindi ko nagustuhan ang ending nila, sana hinayaan na lang nilang mamatay kung sino man sa kanila ang mamamatay... Medyo "corny" kasi ang ending, or siguro hindi nila na-execute ng husto, hindi ko nagustuhan... anyways Paalam Travis at Jasmine, salamat sa mga kilig moments...

No comments: