Monday, May 7, 2007

Super Sale ang Spiderman!

Wow! Iba talaga ang SM kapag nag-sale. Parang palengke na sa SM Megamall nitong Sunday! To think na malaking mall ang Megamall (kasama pa din siya sa Top Ten Biggest Malls sa buong mundo) para maging ganung ka-populated. At sino ang may sabing naghihirap ang mga pinoy, aber?

Syempre pa nanuod kami ng sine, at dahil hindi pa namin yun napapanuod ng friend ko, we decided na yun na lang ang panuorin. Pagpunta namin sa 3rd floor, pagtingin namin sa lists ng mga palabas, ngek! Puro Spiderman 3! All twelve cinemas. Grabe. Wala bang ibang palabas? Tibang tiba ang Spiderman 3. Pero sulit dahil maganda naman talaga. Ang daming action scenes, at may comedy pa ha. Better talaga than the first two Spiderman installments.


No comments: