Grabe, naranasan kong mag poll clerk nitong nakaraang eleksyon. Now I know kung gaano kahirap ang dinaranas ng ating mga public school teachers. Hindi biro yung pumila ka mula umaga hanggang hapon ng araw bago mag-eleksyon para iregister ang mga paraphernalia, hindi biro ang gumising ng maaga (as early as 3:30am) ng araw ng eleksyon para lang kunin ang mga paraphernalia at ayusin ang polling precincts. Hindi biro ang magsulat ng madiin para bumakat sa 6-plicate na election returns, at ang napakaraming pipirmahan at susulatan. Hindi ka makakain dahil every second counts, the more na nadedelay ang mga kailangan gawin, lalo kayong uumagahin. Then after the counting and endless fingerprints and signature, pipila na naman sa city hall para isoli ang mga paraphernalia. Kami inabot ng hanggang 6:30 ng umaga day after election, walang tulugan yun straight for one day! Grabe... hindi na nga ako nakaboto e... kasi malayo ang precinct ko. Hindi pwedeng umalis ng matagal sa iyong assigned post. And I said to myself, huling poll clerk ko na ito kapag halalan, although ung nakuha kong bayad ay isang kinsenas ko nang kikitain (bahala na kayo mag-isip, either malaki ang nakuha kong honorarium, or maliit ang sinasahod ko hehe), hindi siya worth it. Eh pwede kang mamatay e. Yung ibang teacher nga na medyo may edad na, inaatake ng high blood. Wala... kelan ba darating ang mga computer na yan para sa eleksyon ha...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment